Hapon na pala. Alas tres. Mainit.

Summer month. Mayo.

Tulog pa ang mga hayup. Nasa taas lahat.

Nagising si Lady Godiva. Sumunod si Panda. Then si Willy Wonka. Tulog pa si papa Bear.

Na bored ako.

Kumuha ng papel.

Pinag-sulat ko ng birthdate at full name ang mga lutang na kagigising lang galing sa magdamagang walwalan.

"Para saan 'to?" tanong ni Lady Godiva. And mother bitch ng lahat.

Nakangiti lang ako. Tinamad ako mag-explain.

Inabot sa akin ang papel.

After 5 minutes, gising na si Papa Bear, komplete na lahat, I broke the news.

"I BOOKED A ROUNDTRIP TICKET TO DUMAGUETE LAHAT TAYO. BIRTHDAY GIFT KO KAY PAPA BEAR"

Tulala lahat. Deadma ako. Wala akong pakialam kung may pasok kayo. Basta na book na sya. Sa isip-isip ko. Taena! Wala kayong choice kundi mag impake! LOL

At eto nga, andito kami ngayon sa Dumaguete. Sa Hacienda Adong. Beachfront. Yayamanin. Daming katulong sa mansion.

Ang sakit pa ng ulo ko mula sa party kagabi.

Taena. Nagbirthday lang, isang barangay ang bisita. May Private banda at entertainer pa.

Pero masaya.

Buo ang team Chateau and friends.

Pero aligaga ako. Di ako makakasama pagbalik ng Manila.

Iba ang route ko.

Ibang byahe.

Sila eroplano. Ako barko.

Barko papuntang Cebu.

Di bale. Ayos lang.

Itutuloy ko na lang ang modeling ko sa Cebu.

Pero sana maulit to.

Sana...















No comments:

Post a Comment

May problema ka sa post ko? Wag kang maraming hanash! Mag comment ka!