Biglaan.
Wala sa plano.

Last minute booking. Last minute impake.

Bahala na si batman. Bahala na si Geisha.

Business trip.

Pero sumakto na gusto ko ng break. 

Break from heartbreak. (choss)

Para makapag isip-isip.

Makapag muni muni, you know.

To make the story short, nakarating ako sa Cebu ng buhay.

 Nagandahan ako sa Sugbu.

Gusto ko nga dun na magsimula ulit eh.

Naikot ko buong city.

Nakarating sa Magellan's Cross.

Nasilip ang Basilica Minore.

Lakad lang ng lakad.

Natikman ang masasarap na seafood sa Larsian.

Hinanap ang pag-ibig sa Ayala hanggang IT Park.

Ginapang ang kahabaan ng Osmena Blvd.

Nagkape sa lahat ng Starbucks.

Inikot ang bagong SM Seaside.

Nagtirik ng kandila sa Chapel of San Pedro Calungsod.


Pero wala dun si pag-ibig.

Di ko sya natagpuan dun.

Four nights, five days.

Kulang.

Mukang babalikan ko na lang.

Next month...




No comments:

Post a Comment

May problema ka sa post ko? Wag kang maraming hanash! Mag comment ka!