Abala si Diego.

Gayong meron syang imi-meet na crush nya, kelangan triple effort sya para ayusin ang sarili.

Nakaharap sya sa salamin. Pabalik-balik sa closet para mamili ng damit na isusuot.

Naka apat na palit na sya pero di pa rin sya makapagdesisyon sa kung anong ayos ang gagawin sa sarili.

Naiirita na sa kanya si Maritess. Susugod na sana ito kay Diego ng bigla naman itong lumabas ng kwarto at mukang tapos na ang mahabang argumento sa kung anong magiging hitsura nya.

Tumaas ang kilay ni Maritess.

Head to foot kung makatingin.

Pataas, pababa!

Nagtitigan sila ni Diego. Hanggang sa hindi na mapigil ni Maritess ang sarili na magsalita:

"Bakit parang sobrang pa-men ang ayos mo ngayon? Nagpapanggap ka na naman bang TOP?"

Napatigil si Diego.

BASAG!!!!!

No comments:

Post a Comment

May problema ka sa post ko? Wag kang maraming hanash! Mag comment ka!