Sabado noon. A-tres ng Disyembre. Alas Tres ng hapon.

Binagtas ni Geisha ang EDSA para makahanap ng taxi patungong Malate. Mainit ang paligid. Maalinsangan. Kinuha ang geisha fan sa folder kung saan nakaipit ang mga Certificates para sa best in costume, best in float, most number of participants at early bird award para sa pride parade.

Tatlong minuto, naging kinse na. Nganga pa rin si Geisha.

Hanggang nakakuha rin sya ng taxi. Hinanap ang fon. Tinawagan si Yffar. Magsisimula na daw ang parada. Napabuntong hininga na lang sya. As usual, late na naman sya sa parada. Hindi na naman sya makakasali. Manonood na naman sya.

Huminto ang taxi sa harap ng Malate Church. Andun na ang ulo ng parada. Maingay. Mainit. Madaming becky. Madaming protesta.


Halo-halo ang naririnig sa paligid. May busina ng sasakyang animo'y galit at hindi makalusot sa haba ng parada. May mga relihiyosong taon-taon na lang sinasabay sa gay pride ang kanilang rally.


"Magbalik-loob na kayo sa Dyos!"
"Babae at lalaki lang ang ginawa ng Diyos"
"Mga bakla salot!

Pero deadma lang ang karamihan.

Nakatayo pa rin si Geisha sa gilid ng simbahan. Bitbit ang digicam at ang folder na may lamang certificates. Lumalakas ang sigawan.


"Karapatang lesbiana, ipaglaban!" "Ipaglaban!"

Palakas ng palakas habang palapit ng palapit kay Geisha.


"Ibaba! Ibaba! Presyo ng Burat!"

Paulit ulit ang hiyawan. Napayuko si Geisha. Tumatawa mag-isa. Sumisigaw pa rin. Paulit-ulit.

"Ibaba! Ibaba! Presyo ng Burat!"
"Ibaba! Ibaba! Presyo ng Burat!"
"Ibaba! Ibaba! Presyo ng Burat!"

Hinanap ni Geisha si Yffar. Nakita nya ito. May bitbit na pito. Parang MMDA. Nagta-traffic sa mga dumadaang sasakyan. Pilit hinimay ang mga tao laban sa malalaking trak na any monument ay dudurog sa matagal ng pamintang durog.

Nakita sya ni Yffar. Ngumiti lang ito.
Hinanap ni Geisha ang pupuntahan ng parada. Alam nyang sa haba-haba man ng prosesyon sa Orosa-Nakpil pa rin ang tuloy. "Dun ko na lang sila antayin para iabot tong folder", Naisip nya.

Nilakad ni Geisha ang Remedios Circle at kumaliwa sa Bacobo sabay kanan ulit. Nakita nya ang kababagsakan ng parada. Inaayos pa ang stage di pa tapos sa sound check ang mga hitad.

Nag-antay si Geisha hanggang sa dumilim na ang paligid.


Makulimlim na ng matapos ang parada. Nagsimula na ring magtawag ng participants si Yffar. Kanina pito ang hawak nya ngayon nama'y microphone. Pwede! Consistent!


Tiningnan ang orasan.

Mag aala-sais na. Kelangan ng umalis ni Geisha para sa isa pang event na dadaluhan nya. Isang cooking festival.

Lumapit si Geisha sa stage. Inabot ang envelope kay Yffar.
Nagpaalam ng maayos sabay run the world by beyonce. Hindi  nya alintana ang dami ng kapatid sa pananampalataya. Naisip nya, 'kung ititiwalag ako ng mga 'to, deadma na!'

Tumakbo. Kumaripas ng takbo. Tumakbo ng bonggang-bongga!

Pumara ng taxi sabay pahatid sa Ayala. Sa may RCBC Tower. Kung saan gaganapin ang cook fest.

Excited ang Geisha. Mukang maraming pagkain at inumin. Cook Fest eh!

Tumagal ng bente minutos yung byahe nya. Hanggang sa makarating din sya.

Tinungo agad agad ang elevator para sa Carlos Romulo Auditorium.

Bigla syang nagulat. Iba ang nakapaskil sa pinto. At mukhang gutom ang mga nandun. 
Hinanap nya ang pangalan nya sa registration booth. Nakasulat buo nyang pangalan.

Mali pala ang narinig nya sa balita. Hindi pala cooking event kundi Philippine Blog Awards.
Naghanap si geisha ng upuan. Pumwesto sa lugar kung saan mag-isa lang sha. Nakiramdam. Nagmamasid. 

Hanggang sa nagsimula ang awards night. Tinawag pa isa-isang finalist.
Excited si Geisha subalit bigla ring nawala ng di tinawag ang Geisha Diaries.

"Mukhang mali nga ata 'tong napuntahan ko. Sabi kasi ng friend ko aatend daw ba ako sa cook fest sa RCBC tower?", naisip nya.

Naisip nyang magtanong kung may isa pa bang auditorium baka nandun ang hinahanap nyang cook fest subalit biglang tinawag ang buo nyang pangalan.

Napatayo sya bigla. Nagulat. Bakit?
Pinaakyat siya sa entablado at biglang inabot sa kanya ang kahon na may nakalagay na Nokia 101.
Ayos to ah! Hindi na masama!


Sinipat uli ni Geisha ang relos. Mag-aalas dies na! Tamang tama tapos na ang event.
Dali dali syang lumabas sa auditorium at tinungo ang elevator. Naghanap ng taxi sabay pahatid pabalik ng malate.

Kelangan nyang makahabol sa benefit concert ng officemate nya. Para din ito kay baby Kurt. Kundi dahil sa word na benefit gusto na sana nyang umuwi at kumain ng bongga.

Walang traffic. Mabilis lang ang byahe. Narating agad ni Geisha ang Forbest.
Pleasantries after-which nakikain sya ng pulutan.

Hindi sya kumain that day. Akala nya talaga COOK FEST yung sa RCBC hindi naman pala.

Pinagtawanan sya ng lahat. Umatend daw sya ng cook fest pero gutom sya! LOL

Natapos ang concert bandang alas dose. Ngunit gusto pa uminum nung mga ksama nya. Niyaya nya sa Baler, Aurora. Sumama naman sila.

Kumain, tumagay, kain ulit, kwentuhan hanggang sa malasing.

Pinagdiskitahan ang isang boteng tequila.

Tumingin ulit sya sa relos nya.

Alas-kwatro na.

Twelve hours mahigit din syang gumagalaw.

At dahil hindi naman masamang matulog ng lasing, borlog na ang geisha!

No comments:

Post a Comment

May problema ka sa post ko? Wag kang maraming hanash! Mag comment ka!