Naawa ako sa kasama kong Kapitana.

May kaguluhan kasi sa kanyang lugar kaya ayung nagpatawag ng meeting sa barangay!

Nung una tahimik. Tapos biglang nagsalita ang lahat ng mga alipin. Hanggang sa umabot sa aking barangay ang ingay!

Gusto ko sanang pagsasapakin ang kanyang mga alipin, pinigilan ko na lang sarili ko dahil bka masira lang ang aking fingernails pag tumama sa mukha nilang puro abs at kanto.

Ang hirap kasi kay Maritess at Digna, nagmamarunong! Heto namang si Marina pumapapel din. Nakisawsaw pa ang cadaver na si Diego!

Dumating si Mayor.

Si mayor na malaki ang sahod.
Si mayor na walang alam.
Si mayor na walang malay.
Si mayor na puro mura at reklamo ang lumalabas sa kanyang big big mouth.
Si mayor na kunti na lang ay ipapaligpit na ni Governor.

Kawawa tuloy si Kapitana.

Si kapitana na pang tanod ang sweldo.

Di pa rin ayos ang kaguluhan na lalong pinalala ni Mayor.

Sana lang hindi ito makarating kay Governor bukas... kung hindi...

Kawawa na naman si Kapitana!

No comments:

Post a Comment

May problema ka sa post ko? Wag kang maraming hanash! Mag comment ka!