Winner ang hairdo ni kuya!

It was almost a month bago ulit ako nakasakay ng MRT. Mahal kasi ng pamasahe. Normally kasi, naglalakad lang ako galing Taft puntang Cubao. Bongga di ba? LOL

The last time i check, it was a free MRT ride. June 12 ata yun. Nagpunta pko sa counter wala naman palang cashier kasi nga libre.

At nasundan nga sha nitong July 16 papuntang Cubao. Opo mga ka-kulto. Sa cubao lang ako pumupunta kasi andun yung friend ko.

As usual, siksikan sa MRT. 
Kulang na lang maghalikan ang mga balls sa sobrang sikip.

Sari-saring amoy.
May amoy shawarma, chicken curry, minsan nga inihaw na pusit!
May amoy semento, amoy jollibee o di kaya'y amoy sunog na goma.
Minsan amoy chlorine pa.

May mga pa sweet, may astig-astigan, meron din namang deadma lang.
Kahit nasubsob na si lola eh deadma pa din.

Kung di ka itutulak, yayakapin ka naman.
Bongga sana kung effect ang yayakap sayo.
Malas mo na lang kung chaka na may smell pa.
Hindi naman pwedeng sumigaw ng "may i go out" unless stopover na.

Kahit masikip at sinumpong ako ng sinusitis ko, takaw tingin pa rin ang hairdo nitong si kuya.
Kaya nun minsang nag stopover sa may Guadalupe, kinunan ko talaga sha.

Buti na lang di ako nabugbog!

No comments:

Post a Comment

May problema ka sa post ko? Wag kang maraming hanash! Mag comment ka!