Wala si Kapitana.

Nagbakasyon para iwan kay Mayor ang problema nya sa barangay. Pero higit sa lahat ay para mawala ang stress na dulot ng mga mapang-aping nasa gobyerno.

Kung anu-ano ang ipinapagawa. Kahit anong maisipan ng Malacanyang kay Kapitana pinapagawa. Wala man lang pa consuelo de bobo kahit pang-kape. Bagkus, pag may gulo sa barangay ay hindi excempted sa pananabon si Kapitana.

Ewan ko ba.

Mula nung mga dayuhan na ang nakaupo sa Malakanyang eh wala na silang ginawang tama sa mga mamamayan nila. Marami na rin ang lumipat. Nagpunta sa ibang bansa kung saan mas maganda ang future at mas malaki ang pwedeng kitain.

Hapon na nung dumating si Mayor.

Kumain muna ng pananghalian bago umupo sa trono nya. Check muna sya ng email tapos naghahanap ng alcohol. Pantanggal amoy daw sa kamay nyang nabahiran ng barbeque. Ulam nya ata sa tanghalian.

Nakuha nya pang kumain habang ang kanyang mga empleyado ay parang mga bubuyog sa dami ng trabaho. Wala pang binigay na instruction si Mayor. Nakaupo pa rin sa trono. Mukang pinapababa ang kinain na barbeque. 30 minutes hanggang sa naging isang oras bago pa sya tumayo upang tingnan ang munisipyo.

Inutil

Samantalang pag may pasok si Governor, busy-busyhan sya.

Ganun nga talaga. If the Governor is away, Mayor will play. Tama nga! Nag-play agad si Mayor ng mga nakakaabalang tugtog mula sa ipod nya.

Baka sa susunod na araw pa ang balik ni Governor. Masama ang pakiramdam. Kelangang magpahinga. 

Siguradong ngarag ang munisipyo nito. Siguradong pati Provincial hall ay apektado. Siguradong hindi rin ito maililihim sa Malakanyang.

Nakikita ko na ang matinding gulo. Yung tipong parang bangkang papel na butas at walang sagwan.

Walang sagwan dahil ito'y bitbit ni Kapitana sa kanyang paglisan.

No comments:

Post a Comment

May problema ka sa post ko? Wag kang maraming hanash! Mag comment ka!