Gandang araw sa lahat!


Matagal din nasundan ang aking huling entry. Pwede naman mag sorry di po ba? hehehhe :lol: Sorry na! By the way sa lahat ng bumisita nung mga nakaraang linggo maraming salamat po sa inyong patuloy na pagsilip sa aking munting tahanan! HIndi ko po alam kung pano ko kayo mababayaran. Lalo na ngayong nawalan nko ng access sa internet from work!


Balik training ako na naman ako for 5 weeks! Panibagong pakikibaka at nag fefeeling newbie! Heheheh :D Medyo nosebleed na ngayon! Di tulad ng hacienda ni Don Armando dati na lahat ay pwede kong gawin! LAhat pwede kong pasukin! Lahat may access ako! Ngayon iba na! Hanggang wikipedia lang ako! Bwisit!


Thus said, sasamantalahin ko na ang pagkakataong ito na magbigay pugay sa mga taong nakakaalala sa geisha kahit papano. Salamat sa inyong walang sawang pakikinig sa mga kwentong kabalbalan at kabaklaan. Baka every two weeks na ako makakapag-update ng blog ko. Medyo matagal din yun! Pero expect sumthing different this time. Since nasa training ako, I will be telling stories within the portals of the training room. Hehehehe :D Sana!


Iwan ko na muna ang mga huling larawan namin ng mga kasama kong pinalayas sa hacienda ni don armando. Sa ganung paraan, hindi nyo makakalimutan ang mukhang walang katawan at katawang walang mukha! hahahah :D

No comments:

Post a Comment

May problema ka sa post ko? Wag kang maraming hanash! Mag comment ka!