geisha_diaries_banner_version2_by_drake24
I prayed for safety, well-being and good weather!

***


 Gabayan nyo po ang aking kompanya na malampasan ang krisis pang- ekonomiya para may babalikan pa po akong trabaho. Alagaan nyo po ang aking mga ka-opisina. Sana nasa mabuti silang kalagayan habang nagpapakasaya sa company partee at sana hindi bubuhos ang ulan sa the fort open field sa araw na iyon. Sana kahit hindi ako aatend sa partee ay ako pa rin ang manalo sa raffle para sa isang toy car na chakang cherry qq.


**


Sana po hindi atakihin ng sakit sa puso ang aking papa at mama sa biglaan kong pagpapakita sa kanila. Sana maisip nila na hindi ito isang aparisyon. Na akoy nagbalik matapos ang isang dekadang pamumundok.  


*


Sana po maayos ang operasyon. Patnubayan nyo po ang doctor na syang gagawa ng aking ikaliligaya. Sana po walang bulak or forceps na maiwan sa loob. AT sana po kasya ang hungarian sausage.


-------------------------------------------------------------------------------------------



Geisha Diaries

6780, Ayala Avenue

Makati City, Philippines

 Geisha (gay 'sya) Diaries

Mobile: +632 906 514 61**


 

2 comments:

  1. nagpa-opera ka ba talaga?...

    at anu b talaga pina-opera mo?... lols...

    welcome back! :D

    Merry Christmas and Happy New Year... :D

    ReplyDelete

May problema ka sa post ko? Wag kang maraming hanash! Mag comment ka!