So much for bitterness and all that stuff! Ayokong pag aksayahan ng brain cells and mga taong walang kwenta! Yoko ng negative vibes!

Natapos na rin ang mga araw ng pagpapakalasing, pagyoyosi, pagtulog at walang tigil na puyatan. Tinalo ko pa nito ang may nakaburol at may kasaling saklaan! Ramdam ko na ang usok ng sigarilyo sa aking baga at ang epekto ng beer sa paglobo ng aking tiyan. Kung dati 24 ang aking waistline ngayon 32 na sya! Hindi na rin kasya sa akin ang mga victoria secret panties na bigay ng “maykapal”. Panahon na siguro para itapon ko yun. :D

Sa awa ng dyos, nakapag celebrate ako ng birthday kahit kapos sa budget. Breakfast with PinayPsycho and some officemates at Carafe and dinner at Seafood Island sa Eastwood with my close friend July who is also celebrating his birthday three days after mine. Tagal na rin kaming hindi nagkita. At pag nagkita man, isang oras lang ang pinakamatagal. Am glad we had talked for awhile and reminisce the experiences we had before about school, studies, career, sex and boys!

Nakakamiss ang aming mga karanasan. Hindi na namin pwedeng ulitin lalo’t wala na ang isa sa cast ng aming friendship. Mga totoong tao. Sarap mahalin!

Thank you nga pala sa lahat ng bumati at nakisaya sa aking kaarawan. The past year has been a roller coaster ride for me. I wished this year would be a good slide in terms of career, health and lovelife! Naman! Ayokong maging single for life!

And by the way Taps, here is my doggy with the reigning queen of bestiality CLio. hehehhhe :lol:

For every man, woman and child!

Hanggang sa muli!

2 comments:

  1. belated hapee bertdee..!
    BOMBA!!!

    BOMBERO KING

    ReplyDelete
  2. sana umokey ka na sa taong ito at sa mga susunod pang taon.....=)

    ReplyDelete

May problema ka sa post ko? Wag kang maraming hanash! Mag comment ka!