Kauupo ko lang sa desk ko bwisit na agad ako! Sa lahat ng bagay, hate ko talaga ang bad hair day! Few factors were considered kung bakit nakasimangot akong pumasok today!


Una, nang dahil sa bopols na taxi driver! Kung di ba naman 'sya tanga, nakinig na sana 'sya sa akin nung sinabi kong diretso! Umikot pa kami ng dalawang kilometro bago ako nakarating sa opis! Nagmamarunong kasi!


Pangalawa, mga adik na utility! Halatang walang elevator sa bahay! (kami rin naman wala eh) Tama ba namang pindutin lahat ng floor??? Para akong sumakay ng MRT! Lahat ng station hinihintuan kahit walang pasahero! Nakakaabala at nakakatakot pa! Lalo na pag bumukas ang elevator sa floor na walang tao!


Pangatlo, mga bwisit na callers! Oorder wala naman palang pera! Ang dami pang tanong about the merchandise! Pati kulay ng tela, texture, width at size! Kulang nalang yata itanong kung sino ang nagtahi ng pants or blouse na 'yon! Ang daming tanong hindi naman pala mag go through yung order! Palibhasa mga hampaslupa!



Sumisikip na ang dibdib ko sa galit!
It's time na rin siguro TO STOP SMOKING!adik!

P.S. Matutuloy na rin ang re-alignment ng mga planeta next month! Kaya naghahanda na ako physically, emotionally, spiritually, financially at sexually for my reassignment to Baguio! Goodbye Makati! Con ti partiro!

1 comment:

  1. sa Baguio?!!

    ...eherm.....kumakati ata lalamunan ko...

    *strhawwbheeriiess*

    ...ayan naubo na talaga ko...lolz!

    Geisha: cge cge...padadalhan kita ng isang trak! :)

    ReplyDelete

May problema ka sa post ko? Wag kang maraming hanash! Mag comment ka!