Marami na rin akong nasubukan....
natikman...at matitikman..

May iilan na rin akong maipagmamalaki...
at maipagmamayabang...

Marami na rin akong nakilala...
kaibigan man at kaaway...

Marami na rin ang dumaan...
at  ang iba'y nag-paiwan..

Marami ang nagkakagusto...
iba'y nasusuklam...

Marami akong gustong yakapin...
mahalin habambuhay..

Subalit ewan ko ba...
pagdating sa usaping damdamin ang syang bida...
sarili koy pilit kong inilalayo sa tuksong mapanira!

Gayunpaman...
sinubok ko pa rin ang umibig...
dama ang magkahalong emosyon...
magkahalong damdamin...

pag-ibig..
pangarap...
minamahal...
at...
kinakatakutan....

Ito marahil ang dahilan...
kung bakit ako nabubuhay!

No comments:

Post a Comment

May problema ka sa post ko? Wag kang maraming hanash! Mag comment ka!