Sumilay na ang araw,
nakahiga pa rin sya...
Iniisip ang panibagong hamon,
panibagong pag-asa...
Tingin sa cellphone,
wala man lang nakaalala...
Tunog ng alarm clock,
dagling pinatumba...
Hikab ulit pikit ng mata,
tulog na ulit

si Maritess na bida!

Apat na oras ang lumipas,
si Mare ay nakabaluktot pa...
Tulo ang laway,
humihilik pa sya...
Tumunog na cellphone,
di nya alintana...
Isa, dalawa..apat, lima,
naka-anim na ring na, deadma!
Tingin uli sa orasan,
biglang dilat sa mata...
Supervisor and tumawag,
lagot na naman

si Maritess na balahura!

No comments:

Post a Comment

May problema ka sa post ko? Wag kang maraming hanash! Mag comment ka!