Kung bakit pa kasi sumama ako kagabi! Naisip nya. Subalit kahit anong pagsisisi niya, hindi pa rin magbabago na late na sya. Dagli nyang tinungo ang banyo. Kahit late ay naligo pa rin bruha. Di man lang naisip ang oras na igugol nya sa banyo. Matagal maligo si Maritess dahil sa ritual nya. Talo pa nya si Kris Aquino na one hour sa banyo. Kung bakit pa kasi hindi na lang ipagpabukas ang ritual eh. Ganun pa rin hindi nya napigil ang sarili. Nag fireworks display pa sya sa loob ng banyo bago tuluyang lumabas. SUccess. Naisip nya. FAILED. Dahil late-na-late ka na!

Tawid sa daan,
hintay ng masakyan...
Alas onse na't
bihira na lang ang dumadaan...
Ilang taxi, fx, jeep,
kanyang hinarangan..
Malas lang talaga,
lahat may laman...

Tumunog ang cellphone,
nagulat ang hunghang!
Akala'y supervisor,
forwarded msg, buti na lang!
After 48 years,
pagtayo nya'y tapos na rin.
FX pa-ayala kanyang sinakyan,
inabot ang bayad, sukli ay kulang.
Tahimik lang ang bruha,
pinilit di magsalita.
Ayaw nang makipagtalo,
dila'y inihanda para sa kanyang amo.

Naghabi ng paliwanag,
isa, dalawa, tatlo...
Pinili ang mas matindi,
nahihilo daw sya lagi.
Nahilo sa beer,
tequila at brandy!

No comments:

Post a Comment

May problema ka sa post ko? Wag kang maraming hanash! Mag comment ka!