Masipag. Matulungin. Mahalay.
Mga dekripsyon kay Maritess. Siya'y dalawampu't dalawang taong gulang mula sa probinsya ng Talibanbohol at ngayu'y nasa Maynila upang igapang ang sarili. Oo totoo yan. Sarili lang nya ang kanyang igagapang.

Simulan natin nung kanyang kabataan:
Pangalawa sya mula sa panganay
isinilang sa bayang lolo nya ay makapangyarihan.
Mga puno at niyog kanyang kinamulatan
mga saging at cogon, laging nasisilayan.
Manok panabong ng lolo nya'y
matinding kinakatakutan.

Lumaki syang Maritess and pangalan
di man maganda subalit Mare ang kanyang naging palayaw.
Pinalaking punong-puno ng pagmamahal
pag-aaruga, pagkalinga at lambing ng magulang.
Kaya sya'y lumaking di mapagpintas
walang kaartehan at kahalayan.

Subalit sa paglipas ng mga araw
ang dating birhen ay unti-unting nalusaw
Kamay na mapagpala ngayu'y mabigat na
mukhang parang kay Maria ngayu'y bruha na
Ang dating kahinhinan
ngayu'y balahura nah..

No comments:

Post a Comment

May problema ka sa post ko? Wag kang maraming hanash! Mag comment ka!