my personal account on the platforms of government for the 2007 election.


 


 








To our active master of ceremonies, to all my mahal na kababayan, magandang araw po sa inyung lahat.



Ngayong susunod na dalawang buwan ay pipili na po tayo ng bagong lider sa ating pamahalaan. Mga bagong senador at bagong lokal na opisyal.



Hayaan nyo po akong ipahayag sa inyu ang aking mga programa at plano sa gobyernong ito.




Una sa lahat gusto ko pong makilala nyo ako. Ako po si Juan Tamad tapos ng high school. Dahil sa hirap ng buhay di na po ako nag-aral ng kolehiyo dahil mas ninais ko pong maging pulitiko. Sabi nga nila, kung kaya ng mga Marcos, kakayanin ko rin. Yun na nga rin po ang nag-udyok sa akin para manilbihan sa bayan kong sinilangan.




Ako poy may asawa at dalawang kabit na ngayu'y pinatira ko sa isang ekslusibong subdibisyun sa Makati. Ako poy naging ulirang ama sa taong 1999 at may apat na anak. Tatlo ay lalaki na kasalukuyang nasa rehab  at ang bunso ko po ay babae na may planong sumali sa hotbabes.




Ako po'y lubos na nagagalak ng inyu po akong bigyan ng chance na manilbihan sa inyu nung nakaraang halalan. Nang dahil po dun, naipagawa ko po ang luma naming bahay sa Antipolo at nakabili na rin po ako ng bagong mercedes benz.




Pangalawa, nais ko pong ihayag sa inyu ang aking mga nagawa sa loob ng tatlong taong pagiging mayor sa bayang ito.




Farm to market road. Naipagawa po ng aking administrasyon ang mga malilit na pasilyo, eskinita at pathways sa ating palengke ng sa gayun ay hindi na mahihirapan ang ating mga mamimili para bumili ng pagkain, at para na rin sa ating mga magsasakang bukid para di na rin po sila mahirapang maglakad ng walang tsinelas sa ating palengke dahil po sementado na ito.




Graft and Corruption. Nasugpo po natin ang mga katiwalian sa ating lokal na pamahalaan. Sa katunayan, naipakulong ko na po ang aking mga kapatid na nangungutong sa mga negosyante.




Lighting project. Naipagawa po ang mga ilaw sa poste. kung dati po ay nahihirapan kayong mgalakd sa daan dahil walang ilaw, ngayun po ay hindi nah! meron na po tayong mga gaserang handang sindihan sa tabi ng kalye at may posporo na rin para di na kayo mahirapan.




Pagpapalaganap ng seguridad. Nagtalaga na po ako ng mga tao para magbantay sa ating mga pampublikong lugar maliban sa mga pulis. Pina-igting ko na rin ang pagkakaroon ng barangay tanod. At natutuwa po akong bulontaryo ito dahil hindi na po tayo magbabayad sa kanila. Sumasang-ayon naman po silang ang perang dapat sana'y ibabayad sa kanila ay mapupunta na lang sa aming outing sa Boracay.




Drug addiction. Kilala ko na po ang mga addict sa ating bayan. Dati ay ka pot session ko sila. Kinausap ko na rin silang pag silay gumagamit ng druga ay siguraduhin nilang di ko sila mahuhuli dahil pag nagkataon, community service and ipaparusa ko sa kanila. Gagawin ko silang bantay sa aking manukan sa bukid ng sa gayun ay mapapakinabangan din sila kahit papano.




Drug pushing. Gayun din naman sa mga nagtutulak ng druga. Isa lang masasabi ko sa kanila. Pag silay nagtutulak wag sila pahuhuli. Pag sila nahuli wag na wag silang umamin dahil malamang dawit ako dun!




Krimen. Isa sa pinakamahalagang proyekto ng aking administrasyon ay ang pagsugpo ng kriminalidad. Walang hindi nalulutas na bagay sa mahinahon na paraan. Wag nating idaan sa karahasan ang anumang bagay-bagay. Samakatwid, kinausap ko na ang ating mga tulisan at mamamatay tao sa bayan na kung maari lang ay dun sila magkalat sa kabnilang bayan nang sa gayun ay di madungisan at di mabawasan ang ating populasyon. Sayang din ang taong mamamatay dahil mawawalan tao ng tagapag bayad ng buwis.




Revenues. Ang lahat ng buwis na ibinayad nyo sa gobyerno ay di ko muna ipinadeposito sa banko. Ito'y nandun sa aking bahay nakatago dahil marami akong gwardiya dun.









Marami pa po akong nais gawin sa ating bayan kaya nga't ako ngayo'y nangangampanya sa inyung harapan upang maipagpapatuloy ko at lalo ko pang dagdagan ang mga katiwaliang aking ginawa sa loob ng tatlong taon.




Itataas ko ang bayarin sa tubig dahil magpapagawa ako ng malaking swimming pool sa ating plasa para di na tayo mangingibang bayan upang maligo.




Ipapasemento ko ang lahat ng lupalop sa ating bayan at gagawin kong komersyal ang lupa upang pagtamnan ng mga halaman ng sa gayun ay kikita ang aking bulsa.




Ipapaayos ko ang ating munisipyo at magpapalagay ako ng dalawang gusali dito. Isa ay ang bahay pamahalaan at isa ang aking bahay malapit rito para lubos ko kayong mapaglingkuran.




Gagawa ako ng kompanya para sa inyung lahat upang magkaroon ng trabaho lahat ng tao. Ang kikitain ay akin. Ang ibabayad ko sa inyu ay galing sa taong bayan.




Ibubukas ko ang ating bayan sa lahat ng investment. Kakausapin ko ang mga kaibigan kong bakla para magpatayo sila ng gay bar at pubhouse sa ating bayan upang buahy ang ating gabi at tulog ang ating umaga. Sa gayun ay mabibigyan din ng trabaho ang ilan sa ating mga magagandang dilag at gwapong binata.




Ipapagawa ko na rin sila ng ospital para di na nila poproblemahin ang AIDS at STD.




Libre na ang pag-aaral sa lahat ng antas. Sagot ko ang lahat ng gastusin sa pag-aaral. Dalawang araw lang ang hihingin ko sa akong mga skolars. Ang magtrabaho sa aking palayan at hacienda kung walang pasok.




Magtatayo ako ng pabahay sa lahat ng mahihirap at bibigyan ko nga trabaho ang walang mapagkikitaan. Sa ngayun ay iniisip ko pa rin kung pano sila makakapagbayad sa kin.









Di lang po yan ang aking mga plano sa bayang ito. Marami pa po ito.



Kaya nagyung halalan, isa lang ang itatanong ko sa inyu:




Iboboto nyo pa ba ako? 


Katahimikan....



No comments:

Post a Comment

May problema ka sa post ko? Wag kang maraming hanash! Mag comment ka!