Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako
at pagpasensyahan. Kapag dala ng
kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng
pinggan o nakatapon ng sabaw sa
hapag kainan, huwag mo sana akong
kagagalitan. Maramdamin ang isang
matanda. Nagse-self-pity ako a tuwing sisigawan
mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi
ko maintindihan ang sinasabi mo,
huwag mo naman sana akong sabihan
ng "binge!" paki-ulit nalang ang
sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na,
anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan
mo sana akong tulungang tumayo,
katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong
nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man
ay nagiging makulit at paulit
ulit na parang sirang plaka. Basta
pakinggan mo nalang ako. Huwag mo
sana akong pagtatawanan o pagsasawaang
pakinggan. Natatandaan mo anak noong
bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo,paulit-
ulit mo 'yong sasabihin, maghapon
kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha
ang gusto mo. Pinagtyagaan ko
ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking
amoy. Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo.
Mahina na ang katawan ko. Madaling
magkasakit kapag nalamigan, huwag mo
sana akong pandirihan. Natatandaan
mo noong bata ka pa? Pinatyagaan kitang
habulin sa ilalim ng kama kapag
ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas,
ako'y masungit, dala na marahil
ito ng katandaan. Pagtanda mo,
maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon,
magkwentohan naman tayo, kahit sandali
lang. inip na ako sa bahay, maghapong
nag-iisa. Walang kausap. Alam
kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong
malaman mo na sabik na sabik na
akong makakwentohan ka, kahit alam kong hindi
ka interesado sa mga kwento ko.
Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at
intindihin ang pautal-utal mong kwento
tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y
magkakasakit at maratay sa banig
ng karamdaman, huwga mo sana akong
pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo
na asana kung ako man ay maihi o madumi sa
higaan, pagtyagaan mo sana akong
alagaan sa mga huling sandali ng aking
buhay. Tutal hindi na naman ako
magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking
pagpanaw, hawakan mo sana ang
akong kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob
na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap
ko na ang Diyos na lumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagapalain ka
sana ... dahil naging mapagmahal
ka sa iyong ama't ina...

No comments:

Post a Comment

May problema ka sa post ko? Wag kang maraming hanash! Mag comment ka!