Tonight's gonna be the last night!

 God! Tagal ko na ring hindi nagamit ang utak ko sa blog ko! Hahahhaha 


"..At yun nga ang dahilan kung bakit naisipan kong mag update dahil tinatamad ako! hahahahha And when i say tinatamad ako, I always thought of resigning!..."

Kung dati kasi nakakagawa pa ko ng mga matalinghaga at malalalim na entry pero ngayon parang hindi na!
Feeling ko tuloy tuyo na ang utak ko. Daming factors. Alak, babae at sigarilyo! [maniwala tanga!] hehehehhe
Dami ko sanang ikwento sa inyo pero hindi ko alam kung san ko simulan. Kasi nga tuyo na utak ko. Nakakatuyo talaga ng utak ang pressure! Pressure sa trabaho. Tinatamad na ko mag call center. Lalo na ngayong ang higpit na ng team. Bawal tumawa, bawal umutot, dumighay at lalong bawal ang humilik! Hahahaha Kunting galaw warning! Kalowka!
At yun nga ang dahilan kung bakit naisipan kong mag update dahil tinatamad ako! hahahahha And when i say tinatamad ako, I always thought of resigning!
Sanay nko sa pressure, sanay na rin ako sa multi-tasking at lalong lao ang magpuyat. I've been on a graveyard shift for almost four years now and things went just fine. Pero i guess its time for me to shine somewhere else. Gusto ko naman makita ng mga ka tribu ko ang aking kagandahan hindi yung tipong nasa loob lang ako ng opisina buong gabi at tulog pag umaga. Ito siguro ang dahilan kung bakit till now single pa rin ako! Lols
Bakit pa kasi nauso ang araw ng puso. Dapat kasi pag mga ganitong panahon lahat tayo sa heart's center ang attention! Shit! Hindi naman ampalaya ang dinner ko bakit ganito! hahahahaha
Speaking fo resigning, may nakita na pala akong bagong trabaho. Mejo malaki ang offer at pabor sa akin dahil hilig ko talaga ang mag travel at magsalita. Pero it's too early to assume. Ayokong magsalita ng tapos. Tsaka ko na ikwento pag andun nko sa tuktok ng bundok! Ohh ayan clue ko na sa inyo yan! hahahhaha If my itinerary will be arranged by Monday, I'll have an immediate resignation later right away!
Speaking of bundok, nakahiligan ko palang mamundok lately. Yung tipong trip na hindi pinag-isipan. Byaheng hindi pinagplanuhan at higit sa lahat basta sakay lang ng sakay ng bus. Exciting din pala ang ganung trip. Talo ko pa ang nakadrugs sa pagod. Pero higit sa lahat exciting. Mas mahaba pa nga ang upo ko sa bus keysa stay ko sa baguio last week. At dahil valentine weekend, gusto ko na naman magbyahe. Pero i've done some research of course. Next stop - Nueva Vizcaya! Hindi ko alam kung ano meron dun. Pero bahala na si Batman! Kwento ko na lang pag makakabalik ako ng buhay! Heheheh
See yah!

Related Articles